ako ngayon ay magddrama, walang kokontra dahil may nabasa ako na nakakainspire ahahaha., so kung sino man ang mkakabasa nito, hindi ako emo :)
panagalawang post ko na ito sa araw na ito at ewan ko ba nahihilig akong magpost tuwing bakasyon sa kadahilanan na din siguro ng kawalang magawa, potek!!! gusto ko din gumawa ng story nainspire kasi ako dun sa kaklase ko hahaha.
so eto na ko magsisimula ng magdrama or should i say storyang madrama.....(hindi ako emo!)
----------------------------------------------------------------------
kinikilabutan ako,kanina pa. ang mga balahibo ko sa buong katawan ay nagsisitayuan na tila mo nakukuryente. ewan ko ba, habang patuloy kong nakikita, nababasa at naiintindihan ang mga nasa harapan ko, ay lalo akong di mapakali.
Nagagalit ako, naasar, naiinis lalo na sa sarili ko. Wala akong magawa ni sumigaw hindi ko mabulalas. kulang na lang maging animoy berde ako parang si green hulk.
bakit ko ba nkikita to, bakit ko ba nababasa to. hindi ba pwedeng hindi na lang makita ang mga bagay na di dapat makita? hindi ba pwedeng ako'y magbulagbulagan na lamang? na ang munting puso kong ito ay di na masakatan (potek! dumugo ilong ko dun tissue brake muna!)
(okay back na ulit:])
bigla akong napatigil, napaisip, napatulala hanggang sa dumating ang puntong wala na akong maramdaman, wala na ang galit, ang inis, ang asar. wala. natitira na lang ang kinikilabutan ko pa ding balahibo na akala mo pa din ay nakukuryente.
hindi ko alam kung saan napunta ang mga kaninang gustong lumabas sa aking lalamunan. nawala na lamang sila sa isang iglap. ang puso kong nasasaktan ay unti unting nagiging bato. napagtanto kong kailangan ko ng tumigil, dahan-dahan hanggang sa tuluyan ng huminto. napatingin ako sa telebisyong nasa aking gilid. pinapalabas ang caroline. tumayo ako at nanood na lamang.
---------------------------------------------------------------------
waaah ayan na tapos na., mukhang tanga lang yung story. madrama ba?? haha di ko din alam kung saan ko nakuha yang storyang yan. inspired lang ako sa story ng kaklse ko..
maybe there will be more stories to come. :)