Kristine Ann Naval Malabay
paikot ikot ako, nalalabuan
malabo pa sa malabo kong mata
ang laman ng utak ko

sandamakmak, sangkatutak, di alam kung anu uunahin
nadadagdagan pa pa ng kalabuan ng utak

anu nga ba ang uunahin?
eto? o iyon? iyon? o eto?
magulo...
madami...
ano ang gagawin?

naiisip na solusyon lamang,
ay ang di isipin at wag alalahanin..
:|

(i'm feeling the christmas season soooo my desktop is like this! take a look =>)

Kristine Ann Naval Malabay
okay so a lot happened in my summer vacation whew.., super marami., madaming di nagawa at nagawa :))

> yezzz, i,m attending autocad class right now, and it will end on next sunday
>i've attended photog class, and learn a lot!!! :))
>di ako nakabili ng pangpatangkad :| maliit pa din ako
>i think i did not improve my self :( but i learn a life lesson this summer, especially to forgive hahaha
>i think i remove those flabs a bit,. A BIT, i repeat., :)) nawala dahil sa byahe., di pala ako sanay araw araw byahe.
> hindi ko naman na-aksaya oras ko ngayon summer., i really had fun this summer
> pahabol, umatend din ako ng swimming class :)))

ok so yun lang., dalawa di nagawa yehes!!!!
so this pasukan kailangan mag-improve ng personality and gain height ahha
Kristine Ann Naval Malabay
i need to improve myself!!!

>attend atoucadd anywhere!
>photgraphy lessons (every saturday)
>buy that height increasing drink (grow taller tin!)
>impove my personality (grow up tin!)
>remove those flabs, workout!
>don't waste time!!


sana ma-achieve ko kahit dalawa sa mga to, bago magpasukan., eto ang pinaka gusto kong mangyare sa ngayon, haaaist.,

signing out :P
Kristine Ann Naval Malabay
takbo, takbo, takbo!

malapit ka ng makawala...

bilisan mo lang ang pagtakbo....

malayo na ang hawla....

huwag kang hihinto....

anumang pahinga ay magdudulot ng pagkwasak,

sa lahat ng iyong pinundar....

wag kang lumingon....

wag kang tumigil....

dahil ito'y magmimitya ng sakit,

na pilit mong tinaksan sa hawlang iyon....

teka! bakit ka bumabagal?!

huwag mong hayaan ang sarili mong huminto ng tuluyan!

huwag mo ng hayaan maabutan ka ng hawla...

huwag mong hayaan bumalik nanaman ang mga sakit sa loob ng hawla....

tumakbo ka, ng mabilis na mabilis,

huwag kang hihinto o bumagal man lang....

pakiusap, wag kang bumagal at huminto....


---------------------------------------------------



XD yehes, i don't know where i get this... i just feel like it..,
Kristine Ann Naval Malabay
I've read about this manga just this morning that makes me thought of the 6000 days of living and truly made me regret that 1/6000. i know i can't change what happened and that makes me more regretful.i really wish i could turn that time back, its way too late for that. i know god has better plans for me, so i'll just gladly accept them all., i'll just continue what i have been started and grow up so that i would not do the same mistake again.i don't wanna do things that i will truly regret on the future like what's happening to me right now. i hope that i could be more honest to myself and to others, but i think it will take time to achieve this. i tend to blunt things out so i just keep silent as to not give others wrong perceptions,this keeps me from being honest.
i want to improve myself, i want to be honest. :/

random thoughts i always have :/
Kristine Ann Naval Malabay
tila hawla ang bahay



sa mumunting bintana, makikito mo ang mga ibong humuhuni,
maririnig mo ang mga batang naglalaro.

ang apat na sulok ng kwarto ar parang posas sa aking kamay
ang mismong bahay ay tila harang sakin patungo sa labas.

ang mumunting parisukat ang aking kaligayahan lamang
hindi maari to, kailangan kong makalabas!
malapit na'y mawawala na ko sa katinuan.
ilang araw na ba? ilang buwan? ilang taon?
nang ang lupa ay aking nahagkan?!

hindi maari to, kailangan kong makalabas!
ngunit papaano?
wala akong lakas para gawin ito,
walang paraan para mangyri ito.
kadiliman, kalungkutan, kawalang-pagasa
pagiisa ang bumabalot sa akin

mababaliw na ako!
ang paligid!
ang mga mumunting bintana ay parang bang lumiliit
nawawala ang mga ingay, ang mga huni, mga sigawan, mga ingay
ang apat na sulok ng kwarto ay umiikot, lumiliit
hangang sa ito ay bumilog at palibutan ako ng wagas na kadiliman

hindi maari to, kailangan kong makalabas,
alam ko!
alam kong malapit na,
malapit ko na makatam ang inaasam asam ko.
kaunti na lang, malapit na malapit na.
makakalabas ako sa hawla na ito, sa kwartong posas, sa kadiliman.

ang ilaw ay makikita ko din,
ang susi sa hawlang ito,
alam ko, malapit na.

--------------------------------------------------------

inspired nanaman ako gumawa ng mga ganito at magdrawing weeeeh hehe XD


signing out
Kristine Ann Naval Malabay
i'm so boooored., wala akong ginagawa sa bahay, huhu and i'm getting fat.,
anyway, last weekend, we went to bagiuo, la union and vigan beybe!!! hehe sshare ko lang anyway.,
wala akong magawa ngayung summer., gawa na lang kaya ako ng short stories?? hihihi titignan ko lang kung magaling ako dun.,

maybe magdraw and draw and draw na lang ako err gumwa ng short stories?., ayun basta.,

super proud ako sa kaklse ko, may gingawa siyang manga ang it's on mangafox how coool!! never pa ko nakakita ng filipino made manga sa mangafox hahahah,.
well yun lang muna, mejo matagal na din ako di nakakapag post dito haahah
Kristine Ann Naval Malabay
kakatapos lang ng Arki week, at mejo boring whew., last week is thesis week din kaya, wala ding pasok XD.,
2weeks na walang pasok at halos isang buwang walang klase., kaya ayun mejo nakaipon na ko hahaha., kulang pa nga lang :((
parang gusto ko nanaman gumawa ng maikling storya., hihi wala lang..,

umuwi pala ako ngayon sa montalban. at bira nyu yun, nanalo section namin sa volleyball at 2nd place pa hallway design namin ngayong arki week., saya saya., pero parang boring pa din yung aki week ngayon kaysa dati haaaist., :/
yun lang.,
ay makwento ko nga pala., meron na kong KIKO MACHINE blg. 6!!!! yehey!!! saya saya ko dun, excited na ako sa bagong libro ni manix abrera. meron na kasi din blg.7 di pa nga lng pinagbebenta haaist.

ayun na talaga

signing out...
Kristine Ann Naval Malabay
nababad trip ako ngayon kay mama., arghh naiinis talaga ako., gusto ko na siyang sagut-sagutin waaah., kaso bad yun., T_T D:<>kung dito daw yun nawala, bigay ko daw sa kanya., eh panu yun?!! nawawala nga eh!!!! tsk hanapin ko daw!! eh putcha naiwan ko nga sa van then ginamit nila with their "kakilala daw" edi nakuha na nila yun!! bad trip!!!!

waaaaah., mag rereview pa ko sa prelims ko.,
.....................

signing out

pwede namang tumigil na sa pagtakbo, ngunit desisyon mu na kung kaya mu o hinde
Kristine Ann Naval Malabay
feeling much better now, i think., sinisipon kasi ako!! :l haha i'm currently in the front of a laptop while doing my plate, while sniffing, while drinking calamansi juice.. whew. talk about multi tasking.

and my mom is a living machine gun again downstairs!! hmmmm yun lang hahaha.,
gusto ko gumawa ng story ngayon., then i resume doing my plateS.

..........................................................................................................................................................................


"Asan na ba?!" kanina pa ko hanap ng hanap, di ko pa din makita. tsk. pinagtanungan ko na ang lahat ng tao dito sa bahay di ko pa din makita..

"Nay! nakita niyo ba yung gamit ko dito sa ibabaw ng mesa?!" nakakainis, may namakelam nanaman siguro nun. tsk talaga!

"Nay, lalabas na nga muna ako, kung makita nyu yung gamit ko paki sabi na lang pagbalik ko." kailangan ko munang umalis ng bahay dahil naiinis na talaga ako. magpapahangin muna ako at magpapalamig ng ulo.

Hayun at tumango lang ang aking inay, na mukhang naiinis na din sakin dahil sa pagsisigaw ko siguro. malamang kung hindi pa ko umalis dun, pagagalitan pa ko nun. Ang burara ko daw kasi,at di ko ginagamit ang aking mata. Ayan ang lagi niyang sabi pag may nawawala akong gamit. Haay ewan ko ba dun, matanda na din kasi.

Naglalakad na ko ngayon, at di ko alam kung saan pupunta. May mga batang nagtatakbuhan dito sa labas, ang ingay ingay nila pero ang saya saya din nila. Bigla ko naisip na pumunta ng parke. Malapit lang naman dito yun.

Lakad, lakad, lakad. Kay init, tsk nakalimutan ko pang magdala ng payong. Ang sinabi ko ay magpapalamig ako pero mukhang lalo pa iinit ang ulo ko nito. tsk! BUti na lang malilim sa may parke, presko pa ang hangin.

ayan, malapit na ako. Abot tanaw ko na ang mga puno at upuan sa parke. umupo ako sa upuan malapit sa isang malaking puno, para malilim at malamig. Di ko napansin may nakaupo din pala sa kabilang upuan malapit sakin. Si elly!! ang childhood crush ko!

Nako biglang lumakas ang tibok ng puso ko. matalik kaming magkaibigan dati pero nung nag high school na para bang lumayo na siya sakin. Ang saklap no? di ko alam kung Bakit, haaay.

Babatiin ko kaya siya? o hindi nakakahiya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sige na nga. hihi

"Elly!, ikaw pala yan! kamusta na?" Nako anu kaya isasagot nito baka di ako pansinin. Baka mapahiya ako. Baka di niya na ko kilala.

"ui ikaw pala Johney, ayos lang naman. uhhh sige mauna na ako ha. bye."

Pang babae ba? pang bakla ang pangalan ko? pero hindi yun ang totoo kong pangalan. Aljon ang pangalan ko, Johney ang tawag niya sakin nung mga bata pa kami. 
ay ou nga pala, aalis na daw siya. Malayo na siya ng napagtanto ko. Di man lang ako nakapagba-bye. saka ko lang din naisip, johney pa din ang tawag niya sakin. so hindi niya pa din pala ako nkakalimutan.

uuwi na din siguro ako, tutal hindi na mainit ang ulo ko at nakita ko pa si elly. mabuti na lang pala nagpasya akong lumabas. Paguwi ko sa bahay, Tumambad sa akin si inay.

" Aljon! eto ba yung hinahanap mo? ayan! at pinakaelaman ng bunso mong kapatid. Burara ka kasi!! Dapat ginagamit mo ang mata mo!" at bumalik na siya sa kusina.

Akala ko ligtas na ko sa sermon, di pa pala. At sabi ko na nga ba, iyon nanaman ang linya niya. Bumalik na ko sa kwarto ko, at nahiga sa kama. tinignan ko ang gamit na bigay sakin ng dati kong matalik na kaibigan.

luma na ang laruang iyon, pero maayos pa naman. Ingat na ingat ata ako dito. Isa siyang kahoy na bibe, yung tipong inuukit na mga kahoy. May nakita akong parang may hiwa sa ilalim, nako yung kapatid ko sinira pa ata. pero nang sinuri ko pa to lalo, bukasan pala iyon. bakit di ko napansin yun?

umupo ako bigla at dahan dahan kong binuksan yung kahoy na bibe sa ilalim. nahirapan pa ko ng unti dahil medyo nakadikit na yung bukasan sa katawan ng bibe. nang mabuksan ko na ito nang tuluyan may nakita akong maliit na kahoy na nakaukit din na parang bibe. may kapareha pala ang bibe na binigay niya sa-akin.

at sa tingin ko ,alam ko na kung bakit lumayo sa akin si elly.

..........................................................................................................................................................................

woooh tapos na., hahaha mukhan nanamang tanga ulit. gagawa na ko ng plate!!!

signing out